Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

Thursday, July 26, 2018

Gumawa ng Pagbabago Lyrics - JW Broadcasting Mayo 2018

Gumawa ng Pagbabago Lyrics
JW Broadcasting Mayo 2018

Minsa’y naiisip,
Bakit gan’to—
Rutina na lang ba
Ang paglilingkuran ko?
Ang nakasanayan dapat baguhin.
Pagsulong ay kailangang gawin,
Magsakripisyo rin.

Kaya’t handang gawin ang pagbabago
Nang maabot ko ang tunguhin ko.
Jehova, ako’y susunod sa ’yo.
Ibibigay lagi tiwala sa ’yo.

Ang kailangan dito
Lakas-loob,
Pero ito’y sulit.
Dulot ay kagalakan.
Ang aking mga bagong karanasan
Nagbigay ng pagkakataon
Para ako’y sumulong.

Kaya’t handang gawin ang pagbabago
Nang maabot ko ang tunguhin ko.
Jehova, ako’y susunod sa ’yo.
Ibibigay lagi tiwala sa ’yo.






Noong una’y mahirap
At parang imposible,
Nag-aalinlangan kung
Ano’ng gagawin.
Pero pagsisikap ko
Saganang pinagpala.
Ipagpapatuloy ko
Ang aking nagawa.

Gusto kong maabot ang tunguhin ko,
Kaya nagsisikap na magbago.
Jehova, ako’y susunod sa ’yo.
At ang aking tiwala pinagpala mo.

Kaya’t handang gawin ang pagbabago
Nang maabot ko ang tunguhin ko.
Jehova, ako’y susunod sa ’yo.
Ibibigay lagi.

Kaya’t handang gawin ang pagbabago
Nang maabot ko ang tunguhin ko.
Jehova, ako’y susunod sa ’yo.
Ibibigay lagi tiwala sa ’yo.
Tiwala sa ’yo.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Tunay na Pag-ibig Lyrics - JW Broadcasting Abril 2018

Tunay na Pag-ibig Lyrics
JW Broadcasting Abril 2018

Galing sa Diyos ang regalong ’to
Ang pag-ibig na buong puso.
’Pag dal’wang tao’y nagmahalan
Kay tamis ng pagsasamahan.

Ganiyan ang pag-ibig, ito’y lumalalim.
May tatlong ikid,
Matibay.
Si Jehova’y kasama at ating gabay.
Tunay ang pag-ibig kong ito
Na para sa ’yo.
Oh ... para sa ’yo.

’Pag may problema
Pag-ibig ay patutunayan
’Di natin hahayaang masira
’Di natin hahayaang mawala
’Di hahayaan.

Ganiyan ang pag-ibig, ito’y lumalalim.
May tatlong ikid,
Matibay.
Si Jehova’y kasama at ating gabay.
Tunay ang pag-ibig kong ito
Na para sa ’yo.
Oh ... para sa ’yo.






Pag-ibig nati’y wagas,
Regalo ng Diyos na di-kumukupas.
Ang lakas nito’y tulad-kamatayan.
Ika’y kaisa ko at tayo’y ’sang laman.
Mahusay kang babae, isang katuwang.
Habang-buhay kong mamahalin.

Laging sasabihin sa ’yo,
Nag-uumapaw na pag-ibig ko.
Ang buhay ko’y napakaligaya
Nang ikaw ay mapangasawa.
Oh ... tunay nga!

Ganiyan ang pag-ibig, ito’y lumalalim.
May tatlong ikid,
Oh ... matibay.
Si Jehova’y kasama at ating gabay.
Tunay ang pag-ibig kong ito
Na para sa ’yo.
Para sa ’yo.
Tunay ang pag-ibig kong ito
Na para sa ’yo.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Wednesday, April 11, 2018

Tiwala sa Iyo Lyrics - JW Broadcasting Marso 2018

Tiwala sa Iyo Lyrics
JW Broadcasting Marso 2018

Gaya ng punong matibay,
Salita mong tunay
Nakatanim sa puso ko at dulot ay buhay.
Anuman ang dumating,
Karunungan mo’y laging
Patnubay at aking gabay na nagsasabi,

Huwag na huwag mangamba.
Jehova, laging kasama.

Sa pagsubok, nar’yan ka.
’Yong Salita’y tutulong.
Ako’y panatag dahil may tiwala sa ’yo.

Minsan ay nahihirapan
Paano manindigan.
Sa tulong mo lagi akong umaasa.
Palaging binubulay—
Salita mong patnubay.
Tunay itong nagsisilbing paalala.






Huwag na huwag mangamba.
Jehova, laging kasama.
Kay rami man ng suliranin,
Pag-asa’y malinaw sa akin.

Sa pagsubok, nar’yan ka.
’Yong Salita’y tutulong.
Ako’y panatag dahil may tiwala sa ’yo—
Sa ’yo.

Huwag na huwag mangamba.
Jehova, laging kasama.
Kay rami man ng suliranin,
Pag-asa’y malinaw sa akin.

Sa pagsubok, nar’yan ka.
’Yong Salita’y tutulong.
Ako’y panatag dahil may tiwala sa ’yo.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Mahalagang Bagay Lyrics - JW Broadcasting Pebrero 2018

Mahalagang Bagay Lyrics
JW Broadcasting Pebrero 2018

Araw-araw maraming ginagawa.
Panahon natin ay ’wag sasayangin.
Kailangan din ang magsaya’t tumawa,
Pero ’di lang ’yan ang buhay nating hangad.

Panaho’y ilaan sa mahalagang bagay—
Pag-aaral at panalangin.
Si Jehova ang inuuna palagi.
Pabigat ay kalimutan.
Pananampalataya’y patibayin.
’Wag nating ’pagpalit ang mas mahalaga.

Mga problema sa ating buhay—
Ang puso natin ay baka malihis.
Pero pamilya’y ’wag limutin.
Maglaan ng panahon na kapiling sila.






Panaho’y ilaan sa mahalagang bagay—
Pag-aaral at panalangin.
Si Jehova ang inuuna palagi.
Pabigat ay kalimutan.
Pananampalataya’y patibayin.
’Wag nating ’pagpalit ang mas mahalaga.

Panaho’y ilaan sa mahalagang bagay—
Pag-aaral at panalangin.
Si Jehova ang inuuna palagi.
Pabigat ay kalimutan.
Pananampalataya’y patibayin.
’Wag nating ’pagpalit ang mas mahalaga.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Tuesday, November 7, 2017

Kahanga-hanga ang Iyong Likha Lyrics - JW Broadcasting Nobyembre 2017

Kahanga-hanga ang Iyong Likha Lyrics
JW Broadcasting Nobyembre 2017

Pakinggan ang awit ng mga ibon.
At 'yong masdan paligid ay nagliliwanag.
Sinag ng araw sa mga puno.
Ang simoy ng hangin ay iyong langhapin.

At sa'yo, "Oh jah, aawit ako,
Humanga ako sa 'yong likha."
Sino nga ako para iyong pangalagaan?
Sa'yo Jehova ako'y aawit.
Sa'yo Jehova ako'y aawit. (Umaawit.)
Umaawit.

Likha mo'y kayganda't sari-sari,
Sa gabi man o araw, sila'y pumupuri.
Sa bundok man at ilalim ng dagat,
Lahat ng nilalang pupurihin ka.






At sa'yo, "Oh jah, aawit ako,
Humanga ako sa 'yong likha."
Sino nga ako para iyong pangalagaan?
Sa'yo Jehova ako'y aawit.
Sa'yo Jehova ako'y aawit. (Umaawit.)
Umaawit.

Gamitin ang mata ng 'yong puso,
Para matanto tungkol sa Isa na maylalang.

At sa'yo, "Oh jah, aawit ako,
Humanga ako sa 'yong likha."
Sino nga ako para iyong pangalagaan?
Sa'yo Jehova ako'y aawit.
Sa'yo Jehova ako'y aawit. (Umaawit.)

Sa'yo Jehova ako'y umaawit.
Sa'yo Jehova ako'y umaawit.

Sa'yo Jehova ako'y aawit. (Umaawit.)
Umaawit.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Masdan Mo Lyrics - JW Broadcasting Oktubre 2017

Masdan Mo Lyrics
JW Broadcasting Oktubre 2017

'Pag may kausap ka, Itabi muna—
'Wag kang magpa-distract sa cellphone mo.
Dahil mayro'ng mas mahalaga—Pamilya't kaibigan.
Makisama ka sa kanila—pero
Palagi kang busy na tingnan ang mga friend request.
Kaya kaibiga'y nalilimutan.

Masdan mo. Narito!
Kay ganda! Pamilya ni Jehova—ang saya!
Masdan mo. Tara na!
Kay saya! Makisama. 'Wag hayaang magambala.

Ang 'yong mata'y buksan. Phone mo'y bitawan.
Kaibigan mo sa 'yo'y naghihintay.
Sila ang mas mahalaga,
Mahal si Jehova, Hindi ka iiwan kahit kailan—pero
Palagi mong tinitingnan mga nag-like ng post mo.
Kaya kaibiga'y nalilimutan.

Masdan mo. Narito!
Kay ganda! Pamilya ni Jehova—ang saya!
Masdan mo. Tara na!
Kay saya! Makisama.

'Wag hayaang magambala.
'Wag hayaang magambala.






Maging maingat sa iba.
Mayro'ng k'wento na minsa'y gawa-gawa lang, O...
Iwasan mong madaya ka.
Isipin bago mo i-click ang link: Sulit ba na basahin?

Ang phone mo'y ibaba
At 'wag palampasin,
Pag-ibig na iyong madarama.
Sa bawat sandali,
Paligid mo'y masdan.
'Wag mong ipagpalit ang mga kaibigan
Sa mga taong makikilala mo sa online.
'Wag limutin tunay na kaibigan.

Masdan mo. Narito!
Kay ganda! Pamilya ni Jehova—ang saya!
Masdan mo. Tara na!
Kay saya! Makisama.
'Wag hayaang magambala.

Narito! Kay ganda!
Pamilya ni Jehova—ang saya!
Masdan mo. Tara na!
Kay saya! Makisama.
'Wag hayaang magambala.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Thursday, September 14, 2017

Kumilos Na! Lyrics - JW Broadcasting Setyembre 2017

Kumilos Na! Lyrics
JW Broadcasting Setyembre 2017

B'ong panahon na maglingkod.
Tunguhin natin 'to sa 'ting puso.
Kung di ngayon o kailan pa?
'Wag nating sayangin ang panahon.

Kumilos na, 'wag mangamba.
'Wag mag-alinlangan, 'wag magduda.
Manalig lang, 'wag lumingon, sumulong.
Laging tingnan, pagpapala.

Alam lahat ni Jehova.
Kanyang ilalaan ang kailangan.
Tingin mo ba'y di mo kaya?
Magtiwala sa Diyos, kumilos na.

Kumilos na, 'wag mangamba.
'Wag mag-alinlangan, 'wag magduda.
Manalig lang, 'wag lumingon, sumulong.
Laging tingnan, pagpapala.






Pumasok na sa pintuan,
Ibubuhos ng Diyos pagpapala.
Di lang ngayon tayo ay may pag-asa
Ang buhay na walang hanggan.

Kumilos na, 'wag mangamba.
'Wag mag-alinlangan, 'wag magduda.
Manalig lang, 'wag lumingon, sumulong na.
Laging tignan, pagpapala.

Kumilos na, 'wag mangamba.
'Wag mag-alinlangan, 'wag magduda.
Manalig lang, 'wag lumingon, sumulong na.
Laging tingnan, pagpapala.

Kumilos na.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Minamahal na Anak na Babae Lyrics - JW Broadcasting Agosto 2017

Minamahal na Anak na Babae Lyrics
JW Broadcasting Agosto 2017

Mula pa no’ng bata, sya’y kasama.
Sa lungkot at saya, ika’y nagbata.
Ibinigay lahat kahit mahirap,
Pinasaya puso nya.

Minamahal, anak na tapat,
Pag-ibig nya walang hanggan.

Ang sakripisyo mo, buong puso.
At ang kanyang payo, ‘sinabuhay mo.
Ikay maligaya sa pag ibig nya,
Lalo na’t sinasabi nya:






“Minamahal anak kong tapat,
Pag-ibig ko’y walang hanggan”

Nakikita ng Diyos na Jehova,
Ang iyong gawa at pagmamahal.
Di lilimutin paglilingkuran,
Buong buhay.

Minamahal, anak kong tapat.
Minamahal, lagi syang nariyan.

Minamahal, aalagaan.
Minamahal ng tunay.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Wednesday, August 2, 2017

Humahanga sa Iyong mga Gawa Lyrics - JW Broadcasting Hulyo 2017



Humahanga sa Iyong mga Gawa Lyrics
JW Broadcasting Hulyo 2017

Ang 'yong Kaharian kayrami nang nagawa,
Inilaan Iyong Salita, marami pang iba.
Ang Iyong tapat na alipin liwanag ang laan,
Nagsugo ng mga pastol, sa 'kin nagmamahal.

Ang mga kombensyon nakapagpapatibay,
At lagi kong nasasabi, "wala 'tong kapantay!"
Sa mga pulong ay dama pag-ibig Mong tunay.
Sa pagsulong sa gawain, ako'y sinasanay.

Kami'y humahanga sa lahat ng Iyong gawa.
Sa 'yong Kaharian, may pananampalataya 'pagkat kay buti Mo.
Nakatanaw sa pagpapala ng Kaharian.






Karangalan naming gumawang kasama Ka.
Sa gawaing ministeryo nagpapahalaga.
Mula sa Iyo'y unawa at isip na payapa.
Kami ay tinuturuan, buhay na kay saya.

Mga awiting umaantig sa puso ko.
At pamilyang pagsamba ay pinagpapala Mo.
May pagkakaisa kahit magkaibang lahi.
Tanda 'to ng kapatiran na katangi-tangi.

Kami'y humahanga sa lahat ng Iyong gawa.
Sa 'yong Kaharian, may pananampalataya 'pagkat kay buti Mo.
Nakatanaw sa pagpapala ng Kaharian.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Thursday, June 8, 2017

Makakabangon Ako Lyrics - JW Broadcasting Hunyo 2017



Makakabangon Ako Lyrics
JW Broadcasting Hunyo 2017

Ang puso ko ay labis na nalulumbay,
Jehova ako ay nagkamali.
Sa 'king panghihina, kailangan ko ang lakas.
Inaasam-asam makabalik.

Madalas maalaala, natutuhan ko,
Katotohanan sa 'yong Salita.
At kung ako'y matisod o kaya'y mab'wal,
Makakabangon.

Naaalala ko pa rin sa 'kiy nagmamahal.
Mahal din nila si Jehova.
Gaya ng lampara, ang Salita Mo ay gabay.
Sa landas ng buhay inaakay.






San' man magtungo, nakikita ko aking natatanto.
Wakas malapit na.

O Jehova aking Ama, dalangi'y dingin.
Ang 'yong tulong ay aking kailangan.
Kahit maraming ulit na matisod,
Makakabangon.

Jehova'y maunawain.
Ako ay tutulungan Nya.
Alam Nya ang lahat at di nya 'ko itatakwil.
Tinitingnan ay mabuti.

Kaya't dadalo ako ngayon, damhin ang pag-ibig.
Babalik kung sa'n kabilang.
At kung ako'y matisod o kaya'y mab'wal,
Ako'y babangon.

Makakabangon.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Wednesday, May 24, 2017

Mahal Ko ang Iyong Utos Lyrics - JW Broadcasting Mayo 2017



Mahal Ko ang Iyong Utos Lyrics
JW Broadcasting Mayo 2017

Nalilito, sundin ay sino?
Baka marangal o kaya’y di masama.
Baka di ko kailangang iwasan pa.
O alin nga bang mabuti, wastong pagpili?

Nalilito, sa pangmalas ko.
Baka may panganib dun at paglalabis.
Mga silo na aakay sa paglihis.
O alin nga bang mabuti, Jehova dingging maigi.

Mahal ko ‘yong utos, sinusunod lagi.
Sa isip ko bawat saglit sumasagi.
O aking pagtugon ngayon sa layon ng iyong salita.






Ang nararapat ay magsiyasat.
Di ko nais na ikatisod ng iba.
Pero tiyak ko may epekto rin sila.
Malinaw sakin ang susi pati ang mabuti.

Mahal ko ‘yong utos, sinusunod lagi.
Inaakay ako sa tamang pagpili.
O aking pagtugon ngayon sa layon ng iyong salita.

Mahal ko ‘yong utos, sinusunod lagi.
Inaakay ako sa tamang pagpili.
Habang binubulay landas ko ng buhay.
Ako’y yong inakay, sayo sumasabay.
O aking pagtugon ngayon sa layon ng iyong salita.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Lahat Makakaya Kung Mananampalataya Lyrics - JW Broadcasting Abril 2017



Lahat Makakaya Kung Mananampalataya Lyrics
JW Broadcasting April 2017

Mga katanungan sa aking puso,
Sabik maturuan at matuto.
Maturuan at matuto.
Katanungan ko, lahat nasagot.
At aking alinlangan naglaho na,
Alinlangan ay wala na.

Oh kay layo ng lakbayin,
Manampalataya ka.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya, lahat kaya.

Mga natutuhan gustong ihayag.
Ako ay handa na, narito na.
Oh handa na, ito’y ihayag.
Pananampalataya, apoy sa puso ko.
Pagniningasin lagi, di susuko.
Pagningasin sa puso ko.






Oh kay layo ng lakbayin,
Hindi mo lilimutin.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya, lahat kaya.

Daranasing hirap at pagdurusa,
Ang dalangin ay tulong, kumapit kay Jehova.
Sabi Nya, "kung may tiwala ka, Aking lakas madarama.
Kapag mayro’ng problema, Ako’y iyong kasama."

Oh kay layo ng lakbayin,
Hindi ko lilimutin.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.

Ako ay t’yak, walang duda.
Manampalataya.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.

Lahat kaya.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Wednesday, March 8, 2017

Magpasya Kasama si Jehova Lyrics - JW Broadcasting Marso 2017



Magpasya Kasama si Jehova Lyrics
JW Broadcasting Marso 2017

Minsa'y naiisip ko, ano kayang kinabukasan?
Sa buhay ko na ito at landas na dapat sundan.
Natitiyak ko, anumang kalagayan,
Kay Jehova lang ang buhay na taglay.

Lahat ng pagsisikap at mga tunguhin,
Walang hihigit, walang nanaisin.
Paluguran si Jehova habang nabubuhay.
Lahat Kaniyang binigay, 'di kalilimutan,
Ako'y tiwasay, 'di pagsisisihan.
Sa bawat pagpapasya ko, Siya’y laging kasama.

Minsa'y napapaharap sa landas na di tamang sundin.
Landas na lumilihis sa dapat na pipiliin.
Inaalala pag-aalay ko sa Diyos.
Pananampalataya ko ay lubos.






Lahat ng pagsisikap at mga tunguhin,
Walang hihigit, walang nanaisin.
Paluguran si Jehova habang nabubuhay.
Lahat Kaniyang binigay, 'di kalilimutan,
Ako'y tiwasay, 'di pagsisisihan.
Sa bawat pagpapasya ko, Siya’y laging kasama.

Pagpapasya ko ay pang walang hanggan.
Tulong ni Jehova, na aking kaibigan.
Ito’y maligaya, walang kapantay
Palugdan si Jehova sa aking buhay.

Lahat ng pagsisikap at mga tunguhin,
Walang hihigit, walang nanaisin.
Paluguran si Jehova habang nabubuhay.
Lahat Kaniyang binigay, 'di kalilimutan,
Ako'y tiwasay, 'di pagsisisihan.
Sa bawat pagpapasya ko, Siya’y laging kasama.

Sa bawat pagpapasya ko, Siya’y laging kasama.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Wednesday, February 8, 2017

Ika'y Manalangin Lyrics - JW Broadcasting Pebrero 2017



Ika'y Manalangin Lyrics
JW Broadcasting Pebrero 2017

Kung may problemang dumarating,
Ang hirap para sa 'tin na to’y harapin.
Kung minsan iba’y di makatulong,
Lumapit kay Jehova, manalangin.

'Wag ka nang malumbay,
Sa D'yos ay magtiwala.
Hawak mo'y tagumpay,
Kung mananalangin.
'Pag di mo makaya,
Nar'yan siya, nasa 'yong tabi.
Siya’y ating gabay,
Tunay nga kung mananalangin.
Siya’y pasayahin, magpaakay ka.

Bawat araw may suliranin,
Kapos man at marami pang babayarin.
Nais pa rin nating mamahagi,
Nang iba’y mapasaya, magpasaya.






Wag ka nang mangamba,
Sa Diyos ay magtiwala.
Buhay mo’y gaganda,
Kung mananalangin.
Kahit na mahina,
May lakas dahil nandyan Siya.
Siya’y ating gabay sa t'wina.
Laging manalangin,
Siya’y pasayahin.
Magpaakay ka.

Sa Diyos ay magtiwala.
Buhay mo’y gaganda,
Kung mananalangin.
Kahit na mahina,
May lakas, dahil nandyan siya.
Siya’y ating gabay sa t'wina.
Laging manalangin,
Siya’y pasayahin, pasalamatan.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Ang Iyong Salita ay Mananatili Magpakailanman Lyrics - JW Broadcasting Enero 2017



Ang Iyong Salita ay Mananatili Magpakailanman Lyrics
JW Broadcasting Enero 2017

Kinilala nila, nang may takot sa puso,
Sa Diyos nagpasalamat,
Sa paghayag ng pag-ibig.
Ngalan mo’y binigay,
Pag-asa ay tinaglay,
Ang kanilang salita,
Nanatili sa ami’y gabay.
Inibig ka nila,
Kalooban mo’y ginawa,
Pinili mo ang mga tapat,
Salita mo’y isinulat.

Hanggang magpakailanman,
Dalisay mong salita.
Mabuting balita nagpapanariwa,
Iingatan ang iyong salita.






O, marami man ang kalaban,
'Di ka napigilan.
Nanatili sa panig mo,
Ang mga tapat sa iyo.
At ipagbawal man ang Bibl’ya,
Kahit buhay ibibigay.
Nanampalataya at nagpatotoo,
Kaya’t salita’y narito.

Pagkat hanggang magpakailanman,
Dalisay mong salita.
Mabuting balita nagpapanariwa,
Iingatan ang iyong Salita.
Nagpakilala ka o Jehova,
Ngalan mo'y inihayag.
Mananatili 'to pangako'y totoo,
Pupurihin habang buhay.

O, hanggang magpakailanman,
Ang dalisay mong salita.
Mabuting balita nagpapanariwa.
Iingatan ang iyong salita,
Habang buhay.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Ikaw ay Tatatag Lyrics - JW Broadcasting Disyembre 2016



Ikaw ay Tatatag Lyrics
JW Broadcasting Disyembre 2016

Musmos pa man kami ay tinuruan,
Noon ay bata, pero lahat naunawaan.
Si Tatay ang nagtuturo sa akin.
Kahit na ngayon rutin na ang kaniyang bilin.

At kung nag-iisa, sa Bibliya ay nagbabasa,
Binubulay salita nito upang ako'y di mapahamak.

Ika'y tatatag,
Tulad ng punong naron sa tabing ilog.
Ika'y tatatag,
Di ka malalanta tagumpay ka lagi.
Ika'y tatatag,
Tulad sa pagkaka-ugat na malalim.
Ika'y tatatag,
Pagsulong mo'y malayo ang mararating.

Pano na kung kailangang magsalita?
Pano kaya kung iba ang paniniwala?
Naririto lahat ang kaylangan ko.
Buong tapang na sinanay sa pagkabata.

Kapag nag-iisa sa Bibliya ay nagbabasa,
Binubulay salita nito upang ako'y di mapahamak.






Ika'y tatatag,
Tulad ng punong naron sa tabing ilog.
Ika'y tatatag,
Di ka malalanta tagumpay ka lagi.
Ika'y tatatag,
Tulad sa pagkaka-ugat na malalim.
Ika'y tatatag,
Pagsulong mo'y malayo ang mararating.

Taglay kong kaalaman, tutulong kaninuman.
Pampatibay loob sa sinumang nangangailangan.

Ika'y tatatag...
Ika'y tatatag...
Ika'y tatatag...
Ika'y tatatag...

Ika'y tatatag,
Tulad ng punong naron sa tabing ilog.
Ika'y tatatag,
Di ka malalanta tagumpay ka lagi.
Ika'y tatatag,
Tulad sa pagkaka-ugat na malalim.
Ika'y tatatag,
Pagsulong mo'y malayo ang mararating.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Ito'y Nalalapit Na Lyrics - JW Broadcasting Nobyembre 2016



Ito'y Nalalapit Na Lyrics
JW Broadcasting Nobyembre 2016

Huni ng ibo'y pakinggan,
Langit ay 'yong pagmasdan.
Saan ma'y puno ng buhay,
Dito sa lupang paraiso.
'Di makapaniwala,
Sa iyong nakikita.
Na parang kahapon lang,
Ito'y nalalapit na.

Ang lahat ay may tahanan,
Tahimik at tiwasay.
Maligayang sama-sama,
Habang sagana ating buhay.
Ito'y ating pangarap,
Matagal nang hinintay.
Ngunit kahapon lang ay,
Ito'y nalalapit na.

At palaging ibahagi,
Ang pag-asa sa 'yong puso.
Bawat luha, napawi na,
nanariwa buong mundo.

Ang tinig ng kasayahan,
Nang mahal mo sa buhay.
Kanilang pinapurihan,
Kay Jehova ay inialay.
Ang lahat ng pagpapala,
Kay Jehova nagmula.
Na waring kahapon lang,
Ito'y nalalapit na.






Bawat araw tinatanaw,
Inaasam ang 'yong ngiti.
Pagka't mithi ko palagi,
Ikaw ay mayakap muli.

'Di magtatagal na,
Ang bagong sanlibutan.
Pangako 'yan ni Jehova,
At wala ngang makahahadlang.
At ito ay kaaliwan,
Na isipin ang tunay.
Darating na ang araw,
Ito ay nalalapit na.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Wednesday, November 9, 2016

Magpatawaran Tayo Lyrics - JW Broadcasting Oktubre 2016



Magpatawaran Tayo Lyrics
JW Broadcasting Oktubre 2016

Tunay na hangari'y mabuti,
Sa kabaita'y walang masabi.
Kung minsan ay nasasaktan pa rin,
At pagpatak ng luha ko aking ngang natatanto.

Wag na nating patagalin,
Alitan natin ay ayusin.
Limutin ang pagkukulang magpatawad,
Kapatid ko, turing sayo.

Minsan ay 'di magkaunawaan,
'Di maiwasang puso'y masaktan.
Ang kaylangan mo'y magpatawad,
Nang sa gayon ay matamo pagpapalang totoo.






Wag na nating patagalin,
Alitan natin ay ayusin.
Limutin ang pagkukulang magpatawad,
Kapatid ko, turing sayo.

Wag sanang hayaang,
May sumira sa buklod ng pag-ibig.
Magpatawad, at kalimutan,
Ganyan ang magkakaybigan.

Wag na nating patagalin,
Alitan natin ay ayusin.
Limutin ang pagkukulang magpatawad,
Sa ting puso, simulan 'to.
Ohh, sa pag-ibig magpatawaran tayo.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Kung Saan Ako Nararapat Lyrics - JW Broadcasting Setyembre 2016



Kung Saan Ako Nararapat Lyrics
JW Broadcasting Setyembre 2016

Lahat sila'y may kasama,
Ginagawa nais nila.
Tama't mali, alam ko 'to.
Batid kung san dapat ako.

O kay sarap na malaman.
Kung san dapat mapabilang.
Makahanap ng kaybigan
Na tunay na magmamahal.

Sa aking puso nadarama ko.
Jehovah ikaw ang magtuturo,
Kung san nga nararapat.






Natitiyak ng puso ko,
Na sa tamang pinili ko.
Kapag Biblya'y binabasa,
Napapakilos gumawa.

Alam ko na't nakikita,
Sinong dapat makasama.
Kaybigan at kapamilya,
Regalo 'to ni Jehova.

Sa aking puso nadarama ko.
Jehovah ikaw ang magtuturo,
Kung san nga nararapat.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)

Salamat Sa Iyo Lyrics - JW Broadcasting Agosto 2016



Salamat Sa Iyo Lyrics
JW Broadcasting Agosto 2016

Kung 'di payapa, Aking isipan.
Ika'y nar'yan, Salamat sa 'yo.

Kung may dumating, Na suliranin.
Sa 'yong tugon, Salamat sa 'yo.

'Di mababalisa sa anopaman.
Puso't isipan ay 'yong babantayan.
Kung sayo'y may tiwalang
Paginhawahin, alalahanin,
Sa kalinga, salamat sa 'yo.

Sa matapat ikaw ay tapat.
Sa lingap mo, salamat sa 'yo.

Credits: JW.org (Official Website of Jehovah's Witnesses); TV.JW.org (JW Broadcasting)